Panliligaw

16Jul07

Sabi ni Bro. Javi, hayaan daw naming ligawan at ligawin kami ng Panginoon. Para sa akin, napakalalim ng simpleng hiling na ito. Una, hindi sanay ang mga lalake na nililigawan. Mas sanay kaming nanliligaw. Laging sinasabi ng mga kaibigan kong babae na mahirap maging katulad nila dahil mahirap maghintay ng manliligaw. Maswerte raw kaming mga lalake at nakakapanligaw kami. Mahirap din daw na alamin kung nanliligaw nga ba ang binata o nakikipaglandian lang. Sa gayon, kailangan ng matinding pandamdam at pag-iisip kung ako’y liligawan ng Panginoon. Kailangan ma-bata ko na ang Panginoon nga ang siyang kumakatok sa aking puso.

Ngunit hindi roon natatapos. Kailangan, matuto rin akong magpa-ligaw sa Kanya. Mahirap maligaw mag-isa. Ngunit mas madali kung may kasama. Ngunit hindi dapat kung sino-sino na lamang ang kasama, mapagkakatiwalaan dapat siya. Mahirap ding maligaw. Mahirap mawalan ng kasiguraduhan. Mahirap ang buhay na puro pagkapa. Ngunit kung ang Diyos ang siyang kaagapay, wala na akong dapat pang ipangamba.

Nawa’y matutunan kong magpaligaw sa Panginoon at maligaw kasama Niya.



3 Responses to “Panliligaw”

  1. 1 genelyn

    Sumasang-ayon ako sa iyong mga kaibigang babae, talagang di biro ang malagay sa aming sitwasyon. Ang maghintay ng sa aming hinihintay. Ang masaklap pa minsan wala silang planong dumating. And it sucks to just let it happen..

  2. 2 genelyn

    Sumasang-ayon ako sa iyong mga kaibigang babae, talagang di biro ang malagay sa aming sitwasyon. Ang maghintay sa aming hinihintay. Ang masaklap pa minsan wala silang planong dumating. And it sucks to just let it happen..

  3. nararamdaman ko din yon,,,parehas lang lahat tayo…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: