Archive for the 'Personal' Category

Panliligaw

16Jul07

Sabi ni Bro. Javi, hayaan daw naming ligawan at ligawin kami ng Panginoon. Para sa akin, napakalalim ng simpleng hiling na ito. Una, hindi sanay ang mga lalake na nililigawan. Mas sanay kaming nanliligaw. Laging sinasabi ng mga kaibigan kong babae na mahirap maging katulad nila dahil mahirap maghintay ng manliligaw. Maswerte raw kaming mga [...]


Tatlong oras lamang ang tulog ko. Kailangan ko kasing gumawa ng mga takdang-aralin. Marami pang kailangang basahin. Lagi na lamang akong kulang sa tulog? Aabot pa kaya ako ng walumpung taong gulang?
Aking inilista ang aking mga kailangang gawin. Mahaba ang nagawa ko. Marami pa palang mga tungkuling dapat tugunan. Hindi na siguro matatapos ito. Maghahanap [...]


Nalulunod

17May07

Kay raming dapat gawin. Kay raming dapat isipin. Ngunit huwag mo akong mamasamain. Ito’y mga “dapat” sapagkat ito’y mga kagustuhan ko. Gusto kong gawin ang “dapat”. Ayan tuloy, nalulunod na pala ako.
Pahingi ng tulong. Huwag mo akong iwan. Mayabang lang talaga ako.
Sana maging tulad ako ni Dr. T, alam ang gusto sa buhay, maprinsipyo, at [...]


Tumawag sa akin si Roselle kanina. Nasa bahay daw siya ni Jerome. Mayroon daw siyang kwento. Pinakinggan ko naman. Pinagalitan na naman daw siya kagabi sa kanila. Naipasok na naman yung tungkol sa pag-aaral niya at kung paano iyon nagiging pabigat sa mga “magulang” niya. “Pinalayas” daw siya ng tatay niya. Umalis naman siya at [...]


Nakakapagod

11May07

Nagkaroon kami kanina ng mahabang pagsusulit sa Hi165. Medyo mahirap ang pagsusulit at natatakot ako sa makukuha kong marka. Hindi ako gaanong nakapag-aral sapagkat marami akong iniisip. Isa na rito ang problema ko sa mga kaibigan ko sa amin. Mahirap isalaysay ang mahaba-habang kwento ng puno’t dulo ng aking problema. Ngunit sapat nang sabihin na [...]


Kaninang umaga, may nangyaring kakaiba sa akin. Itinala ko na ito sa aking blog. Ikinuwento ko na ito sa maraming tao. Marahil, para sa kanila mababaw lamang ito – isang kakatuwang pangyayaring masarap ipangasar sa akin. Ngunit hindi ganito ang talab ng maikling tagpong iyon. Bumabalik ang dating mga takot na nagmula pa noong Oktubre [...]