Maikling Pagpikit
18May07
Tatlong oras lamang ang tulog ko. Kailangan ko kasing gumawa ng mga takdang-aralin. Marami pang kailangang basahin. Lagi na lamang akong kulang sa tulog? Aabot pa kaya ako ng walumpung taong gulang?
Aking inilista ang aking mga kailangang gawin. Mahaba ang nagawa ko. Marami pa palang mga tungkuling dapat tugunan. Hindi na siguro matatapos ito. Maghahanap na lamang ako ng mga tao na tutulong sa akin. Hindi ko talaga ito kaya mag-isa.
Marami pang kailangang aralin. Ayaw ko silang takasan. Ang oras ay hindi lumilipad, ito ay nasa aking mga kamay.
Filed under: Personal | 1 Comment
Kaya mo ‘yan.
Makapangyarihan ka, at alam mo ‘yan. Paniwalaan mo lang na hindi nagbibigay ang Diyos ng mga pagsubok na hindi natin kayang lampasan.